I don't like labels. I'm not an object to begin with. I'm not a fan of sadness. I don't like it when people around me are sad. I'll try everything just to make people I love smile :) I have my flaws but I tell you, I'm a nice person. But I can be really mean if I want to so don't push me :)

deviantart
plurk










Credits: brushes

Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]


Unsent Letter.
♥ 8:29 PM Monday, May 26, 2008
Warning: Madrama at tagalog lahat. Wahahahaha!


Ewan ko bat ko naisipan na isulat to dito. Namimiss kita, oo pero ayaw kong malaman mo. Sobrang ayaw ko. Minsan pag gising ko naiisip ko ung mga oras na pagmamasdan kita habang tulog ka. Naalala ko nung 15th birthday mo na sa sobrang puyat mo, nandun tayo sa likod bahay nio, magkaharap na nakaupo. Sinabi mong matutulog ka lang muna, at ako andun lang sa harap mo nakatitig sayo. Sobrang sarap ng feeling ko nun. Tuwang tuwa akong pinagmamasdan kang tulog. Naalala ko rin ung mga oras na gigising ka andun ako sa bahay niyo at si Mama isasama ako sa breakfast niyo. Hanggang lunch pati dinner kasama ako. Ang saya lang eh. Naaala ko pa na pag lasing ka, tapos nagddrama ka sakin (in a nakakatuwang way) tapos paulit ulit mong sasabihin na "Len, I love you." Namimiss ko ung mga oras na may bigla nalang yayakap sakin, ikikiss ako sa noo, kakargahin ako, patatawanin ako, paiiyakin ako para makita kung nag alala ba talaga ko. Yung mga oras na tatawag ka sakin para lang sabihin na namimiss mo ko. Yung mga oras na gumagapang ako sa bahay para makagamit ng telepono. Alam mo? Namimiss kong may kkwentuhan ng lahaaaat ng nangyayari sakin araw araw. Namimiss ko yung taong nagseselos sa mga pumapaligid. Namimiss ko yung mga tuta, yung mga oras na tawa tayo ng tawa sa bus. Yung mga pangungulit natin sa isa't isa pag wala tayong magawa. Namimiss kong may nagagalit pag hindi ako kumakain agad, o uuwi ng maaga. Namimiss ko si Papa na tuwing kakausapin ako titingnan muna kita para magpainterpret, si Ate Nat na sobrang kulit. Namimiss ko yung taong pipicturan ko at poposing pa. Hahaha. Nakakatuwa :) Yung sabay tayong mag cocomputer sainyo. Na sasabihin mong "tara kandong ka sakin." Namimiss ko yung luto mong pagkain. Yung mga oras na nagsosolo lang tayo sa aeRO.


Namimiss kita. Namimiss ko yung yakap mo. Yung ngiti mo na nagkukumpleto sa araw ko :) Sana alagaan mong maigi yang sarili mo. Yun lang naman ang winish ko sayo diba? Mag ingat ka parati :)